Trump: Seryosong negosasyon sa Ukraine war ceasefire posibleng mag-uumpisa na

Trump: Seryosong negosasyon sa Ukraine war ceasefire posibleng mag-uumpisa na

NANINIWALA si US President Donald Trump na positibo ang resulta ng pinakahuling pag-uusap nila ni Russian President Vladimir Putin hinggil sa pagkakaroon ng ceasefire sa pagitan ng Ukraine.

Sa katunayan, sa isang social media post ni Trump, nakikita niyang mag-uumpisa na agad ang negosasyon ng Russia at Ukraine rito.

Sa panig ni Putin, nakahanda naman aniya siyang lumagda ng isang peace agreement ngunit hindi na nga lang nito idinetalye kung ano ang magiging nilalaman ng kasunduan.

Sa kabilang banda, iniulat ng Russia na pinagbagsak nila ang nasa 35 Ukrainian drones na umatake sa kanila nitong Lunes, Mayo 19, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble