NANANATILING mataas ang natanggap na trust ratings ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa pinakahuling datos ng Pulse Asia Philippines.
Sa March 2023 – ulat ng Bayan Survey Results na inilabas ng Pulse Asia nitong, Miyerkules, Abril 12, nakatanggap ng 78% approval rating si Pangulong Marcos at 5% disapproval rating sa overall performance ng Pangulo.
Habang si VP Sara naman ay nakatanggap ng 83% approval rating at 4% naman dito ay hindi sumang-ayon sa over-all performance ng bise presidente.
Sa pangkalahatan, ang mga trust rating nina Pangulong Marcos at Bise Presidente Duterte ay nanatiling pare-pareho sa pagitan ng Nobyembre 2022 na nasa 83% at 85% at Marso 2023 na nasa 80% at 85%.
Ang survey ay isinagawa mula Marso 15 hanggang 19, 2023 sa pamamagitan ng face to face interview sa 1,200 adult na respondent sa buong bansa.