NANANATILING mataas ang temperatura ng dagat sa bansa sa loob ng tatlong buwan kahit tapos na ang El Niño.
Batay ito sa pag-aaral ng University of the Philippines-Marine Science Institute (UP-MSI).
Nakikita ng mga mananaliksik na ang dalawang bugso ng marine heatwave noong panahon ng El Niño ang dahilan kung bakit nananatiling mainit ang tubig-dagat.
Una, naganap ang heatwave noong Nobyembre 2023 hanggang Enero 2024 sa hilagang-kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Ang pangalawa ay mula Abril hanggang Agosto 2024 sa parehong hilagang-kanluran at hilagang-silangang bahagi ng bansa.