DUMATING na sa bansa ang military aircrafts mula Singapore at Malaysia para tumulong sa relief operations ng Bagyong Kristine.
Noong Sabado, Oktubre 26, 2024 nang lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay ang Republic of Singapore Air Force C-130 cargo plane at Royal Malaysian Eurocopter EC725 transport helicopter.
Nitong Linggo, Oktubre 27 ay dumating naman ang Royal Brunei Air Force.
Nauna nang nagpahayag ayon sa Office of Civil Defense ang ilang mga bansa tulad ng Brunei, Malaysia, Singapore, at Indonesia ng tulong at suporta para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Pilipinas.
Samantala, maliban sa Asian countries, nagpadala na rin ang Australia ng emergency truck partikular na sa Camarines Sur.
Follow SMNI News on Rumble