ITIGIL na ang pagbibigay ng ayuda at tulong sa mga Pinoy na nasasangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian, mas magandang kasuhan na sila ngayon.
Paliwanag niya, palaging sinasabing biktima ang mga Pinoy, ngunit sila naman umano ang nangunguna sa operasyon ng natitirang mga POGO sa bansa.
Matatandaang umiiral na ang nationwide ban sa POGO.