Tumana Molecular Laboratory sa Navotas, bukas na   

Tumana Molecular Laboratory sa Navotas, bukas na   

BINUKSAN na ang Tumana Molecular Laboratory sa Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City kasabay ng pagdiriwang ng ika-16 Cityhood Anniversary ng lungsod.

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco, at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod at ni Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal, regional director ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang pagpapasinaya sa nasabing proyekto.

Ang nasabing laboratoryo makatutulong upang mas mapabilis ang pagproseso at paglabas ng resulta ng COVID-19 tests at iba pang diagnostic services para sa mga mamamayan ng lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter