Tumataas na presyo ng bawang reresolbahin ng DA—Malacañang

Tumataas na presyo ng bawang reresolbahin ng DA—Malacañang

NAGPAHAYAG ang Department of Agriculture (DA) na tutugunan nila ang tumataas na presyo ng bawang sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., makikipagkita sila sa mga garlic importer upang talakayin ang dahilan ng pagtaas ng presyo.

Depende sa magiging usapan, nakahanda ang DA na magpatupad ng maximum suggested retail price sa bawang.

Sa pinakahuling monitoring, ang presyo ng bawang sa mga pamilihan ay nasa P140 hanggang P150 kada kilo.

Samantala, ayon sa mga datos, 95% ng market supply ng bawang ay mula sa China, habang ang natitirang 5% ay mula sa lokal na produksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble