NILINAW ng Hong Kong actor at director na si Jackie Chan na para lang sa kaniyang bagong pelikula ang itsura nito na tumatanda maging ang pumuputing buhok at bigote.
Sagot ito ng aktor matapos ilang fans aniya ang nagtatanong kung may problema ba ito sa kalusugan batay sa kanilang nakikitang mga larawan kamakailan sa internet.
Hindi idinetalye ni Chan kung anong partikular na pelikula ito subalit nakatakda namang i-release ang isang Karate Kid film niya ngayong Disyembre.
Samantala, ipinagdiwang ni Chan ang kaniyang ika-70 kaarawan nitong Abril.