NAKIISA ang mga taga-Tangnan, Panglao, Bohol sa nationwide campaign rally na ginanap nitong Sabado, Abril 5, 2025.
Panawagan at sigaw nila ang tunay na pagbabago sa kasalukuyang kalagayan ng bansa—na maibsan ang kahirapan at masugpo ang kriminalidad.
Ipinapaabot din nila ang kanilang pakikiisa sa panawagang maibalik si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mabigyan ng hustisya ang kaniyang pagkakadakip at pagsuko sa ICC.
Buong pag-asa nilang pinaniniwalaan na ang tunay na pagbabago ay posible sa darating na eleksiyon.
Nangako rin silang boboto nang tama at solidong susuportahan ang buong slate ng PDP-Laban.