LALONG lumalakas ang panawagan ng mga taga-Quezon City para sa tunay na pagbabago, buong pusong sumuporta ang mga residente kay Pastor Apollo C. Quiboloy at PDP-Laban para sa mas maayos na Pilipinas.
SA “Ayusin Natin Ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally na ginanap sa Quezon City, muling ipinakita ng mga dumalo ang kanilang matinding tiwala at suporta sa mga platapormang isinusulong ng PDP-Laban—mga hakbang na nakatuon sa paglutas ng mga pangunahing suliranin ng bansa, tulad ng malaganap na korapsiyon at matinding kahirapan.
Para kay Rev. Roman Tumambac, Founding Chairman ng livelihood organization na GCZION, buo ang kaniyang suporta kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy. Ayon sa kaniya, naniniwala siya sa paninindigan ni Pastor Quiboloy sa katotohanan, at sa mga nagawa nito para sa bayan na nagpatibay sa kaniyang kredibilidad.
Hindi lang si Pastor Quiboloy ang kaniyang tinatangkilik; pati ang iba pang kandidato ng PDP-Laban ay suportado niya, dahil sa paniniwala niyang tapat at makatarungan ang kanilang mga plataporma para sa tunay na pagbabago sa bansa.
Sa kabila ng mga kontrobersiya at mga maling paratang na ipinupukol laban kay Pastor Quiboloy, matibay ang paniniwala ng isa sa kaniyang mga taga-suporta, si Pastora Gina Zabala, na ang ating senatorial candidate ay isang mabuting tao na may malasakit at dedikasyon sa paglutas ng mga suliraning kinahaharap ng bansa.
Para kay Pastora Gina, si Pastor Quiboloy ay hindi lamang lider—siya rin ay magdadala ng kaayusan at pag-asa sa ating bayan.
Samantala, may mga kabataan, senior citizens, at mga residente ng Quezon City na dumalo sa rally upang mas makilala ang mga plataporma ng gobyerno ng PDP-Laban. Bagamat hindi pa nila ganap na nauunawaan ang mga ito, makikita sa kanilang mga mata ang pagnanais na magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan para sa kanilang mga pamilya at sa buong bansa.
Ang mga taga-suporta ng PDP-Laban ay umaasa na hindi na mauulit ang mga pagkakamali ng nakaraang administrasyon, kung saan sinalaula ang pondo ng bayan at mga karapatang pantao.
Para sa kanila, panahon na para sa isang lider na may malalim na paninindigan, prinsipyong hindi matitinag, at malasakit sa kapwa. Naniniwala sila na ang Duterte Senatorial Slate—partikular si Pastor Apollo C. Quiboloy—ang magsusulong ng tunay na kaunlaran at pagbabago na nararapat sa bawat Pilipino.
Follow SMNI News on Rumble