TUPAD program sa 3 distrito ng Quezon City, pansamantalang ititigil—DOLE

TUPAD program sa 3 distrito ng Quezon City, pansamantalang ititigil—DOLE

PINAPAIIMBESTIGAHAN na  ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang nakarating sa kanya na  ulat hinggil sa umiiral na scam sa tatlong distrito ng Quezon City na nambibiktima sa mga beneficiary ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.

Ayon kay Bello ang suweldo kasi na P5,370 na pinapadala ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga benepisaryo ng TUPAD program ay dineretso nila sa remittance center kung saan mismo ang mga ito ang tumatanggap .

Pero paliwanag ni Bello matapos kunin  ang pera ng  beneficiary ay agad din naman nilang ibinibigay sa ibang tao at butal na lang ang napupunta mismo  sa mga dapat na makinabang dito .

Dahil dito inanunsiyo ni Secretary Bello na ipinatigil na muna niya ang pagpapatupad ng TUPAD program sa tatlong Distrito ng Quezon city kabilang na dito ang Dist.1 ,2 at District 5 .

“Ang nangyayari after makuha nung beneficiary ‘yung pera inaabot pa nila doon sa tao ‘yung pera na dapat sa kanila. Kaya dapat pakinggan niyo ako mga kababayan ko diyan sa Quezon City District 1, District 2, and District 5 ‘pag nakuha niyo na ‘yung sweldo niyo, sweldo niyo ‘yan, pera niyo ‘yan, pinaghirapan niyo ‘yan ng sampung araw kaya dapat walang makinabang kundi kayo. Kaya  pakiusap ko huwag kayong maniniwala sa mga pandaraya ng mga taong ‘yan, inyo ‘yung pera na ‘yan,” pahayagan ni Secretary Bello.

Ayon kay Bello, sinasabing ang pera ay ibinibigay umano  sa mga tao ng kongresista ,o mga barangay official .

Batay sa dami ng mga pare-parehong reklamo na natatanggap ng kalihim ay sa tatlong distrito lamang nangyayari .

Ani Bello, bukod sa Quezon City ay wala naman natatanggap ang kagawaran na mga ganitong scam sa ibang rehiyon .

Sa ngayon inaantay na lang ni Bello ang wriiten report mula kay DOLE-NCR Regional Director Sarah Buena S. Mirasol  hinggil sa naturang mga reklamo.

Samantala, simula ngayong Miyerkules o bukas ay sisimulan na rin ang pagbabakuna sa mga manggagawa ng construction at manufacturing .

Ito’y matapos inaprubahan na ng National Task Force Against COVID-19 ang hiling ng DOLE na karagdagang bakuna para sa mga naturang manggagawa.

Dagdag ni Bello nasa kabuang 452,000 doses ang inilaan para sa factory workers sa Region 4, 3 at 7 at construction workers sa National Capital Region (NCR).

BASAHIN: No contact apprehension maaaring ipatupad sa Quezon City

SMNI NEWS