Turistang kinapos sa pamasahe nilangoy ang karagatan patungong Biliran

Turistang kinapos sa pamasahe nilangoy ang karagatan patungong Biliran

SA kagustuhang makapagbakasyon, kahit kapos sa pamasahe ay nilangoy ng isang lalaki ang karagatan para makarating sa Mariripi Island ng lalawigan ng Biliran.

Kinilala ang turista na si Nathan mula sa lungsod ng Ormoc na gumamit lang ng salbabida para makarating sa nasabing isla.

Ayon sa Biliran Police, natanggap nila ang ulat mula sa ilang mga residene ng lugar na nakakita sa lalaking palutang-lutang sa dagat.

Halos nasa kalahati na ang nalangoy nito mula sa lugar ng Kawayan nang makita at masagip ito ng mga rescuer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble