UAE, mag-aalok ng Multiple Entry Tourist Visa para sa FIFA World Cup Fans

UAE, mag-aalok ng Multiple Entry Tourist Visa para sa FIFA World Cup Fans

INANUNSYO ng United Arab Emirates (UAE) ang Multiple Entry Tourist Visa para sa football fans na dadalo sa 2022 FIFA World Cup sa Qatar.

Sa pamamagitan ng bagong Multiple Entry Tourist Visa Program, ang mga football fans ay maaaring mag-enjoy ng kauna-unahang World Cup event sa Middle East at maaaring bumalik sa UAE ng maraming beses kahit na matapos na ang event sa Disyembre.

Ang hakbang na ito ay eksklusibo lamang para sa Hayya card  holders na dadalo sa FIFA World Cup Event sa Qatar.

Ang Hayya card ay magsisilbi na entry permit para sa football fans na makaka-witness sa tournament sa katabing bansa ng UAE.

Samantala, ang UAE Multiple Entry Visa Program naman ay hinahayaan ang World Cup fans na pumasok sa emirata ng maraming beses o hanggang 90 araw mula nang iisyu ang visa.

Samantala ang visa fee naman ay ibababa ng bansa sa 100 dirhams.

Ang visa na ito ay maaari ding palawigin kung lagpas na sa 90 araw pero regular fee na ang sisingilin para dito.

Ang FIFA World Cup match sa Qatar ay magsisimula mula Nobyembre 20-Disyembre 18.

Follow SMNI NEWS in Twitter