UE, nagawang manalo vs La Salle sa unang pagkakataon simula 2019

UE, nagawang manalo vs La Salle sa unang pagkakataon simula 2019

NAGAWANG manalo ng University of the East (UE) laban sa semifinalists noong nakaraang season na De La Salle University sa mens basketball sa unang pagkakataon simula 2019.

Ayon kay UE Head Coach Jack Santiago, nasaksihan ng UE kung paano tinalo ng national university ang unbeaten record ng defending champ na University of the Philippines (UP) ngayong simula ng UAAP Season 85.

Dahil dito ay naging dagdag-inspirasyon ito para sa kanyang mga manlalaro laban sa Green Archers.

Ani Santiago, sinabihan niya lang ang kanyang mga manlalaro na maging parte ng kasaysayan dahil alam nila na huling beses na tinalo ng UE ang La Salle ay noong taong 2019 pa.

Tinalo ng UE ang La Salle dahil sa pinagsamang 38 points ng magkapatid na sila Kyle at Nikko Paranada.

Ito na ang ikalawang panalo ng UE ngayong season matapos nitong talunin ang Far Eastern University sa kanilang ikalawang laro.

Follow SMNI NEWS in Twitter