UK, may panibagong sanctions sa Iran

UK, may panibagong sanctions sa Iran

NAGPATUPAD ang United Kingdom (UK) ng panibagong sanction laban sa Iran nitong Lunes, Nobyembre 18, 2024.

Ayon sa kanilang foreign office, nagpapadala ang Iran ng ballistic missiles at iba pang armas sa Russia para suportahan ang digmaan nito kontra Ukraine kung kaya’t papatawan nila ito ng panibagong sanction.

‘Freezing of assets’ ang magiging sanction ng UK sa Iran air o ang national airline ng nabanggit na bansa maging ang kanilang state-owned shipping company na tumulong sa pagpapadala ng armas.

Mula dito, may restriction na ang Iran Air hinggil sa kanilang direct service operation sa UK.

Maapektuhan nito ang UK citizens at mga negosyo na may financial deals sa pagitan ng iran at vice versa.

Noong Setyembre nang unang pinatawan ng UK ng sanctions ang Iran kasama ang Germany at France dahil pa rin sa pagpapakita ng suporta sa Russia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble