PATULOY ang ginagawang mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC) sa mga border control para mapigilan ang illegal shipment ng mga produkto sa bansa.
Tinatayang P2.67M na halaga ng illegal drug shipment mula sa Netherlands ang naharang ng mga awtoridad sa Clark Pampanga kamakailan.
Sa pamamagitan ng x-ray scanning ay nadiskubre ang 535.6 grams ng Ketamine na itinago sa polycarbonate sheets.
Ang Ketamine ay ikinukonsiderang illegal substance sa ilalim ng R.A. No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Matatandaan na noong nakaraang Hunyo, nadiskubre din sa Clark ang P2.5M halaga ng Ketamine na itinago sa picture frame.
Samanta, sa Port of Cebu ay naharang naman ng mga awtoridad ang mga second hand na damit o ukay-ukay na idadala sana sa probinsiya ng Masbate.
Nasa 60 bales na mga second na damit ang kumpiskado pagkatapos ng ginawang inspeksyon ng mga awtoridad.
Batay sa report, isinakay ang ukay-ukay sa likod ng container van at ang inilagay sa harap ay ang mga household goods para matabunan ang kontrabando.
Ayon sa BOC, paglabag ito sa Customs Modernization and Tariff Act.
BASAHIN: Processed chicken meat na walang sanitary at import permits, nasabat ng BOC-Port of NAIA