Ukraine, ikinabahala ang panawagang pasalihin ang Russian at Belarusian athletes sa 2024 Paris Olympics

Ukraine, ikinabahala ang panawagang pasalihin ang Russian at Belarusian athletes sa 2024 Paris Olympics

IKINABABAHALA ng Ukraine ang panawagan ng iba’t ibang sports federations at National Olympic Committees na pahintulutan ang Russian at Belarusian athletes na makasali sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Ukrainian Sports Minister Matviy Bidnyi, kahit pa maglalaro ang mga ito sa ilalim ng neutral flag ay may bahid pa rin sila ng dugo kasunod sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Umaasa ang Ukrainian Sports Minister na magiging angkop ang desisyon ng International Olympic Committee hinggil dito.

Sa ngayon ay hindi pa nakapag-release ng desisyon ang IOC ng final ruling subalit nauna nang isinasailalim sa iba’t ibang sanctions ang mga atleta mula sa Russia at Belarus.

Kung mapapansin, ang Belarus ay kaalyado ng Russia kung kaya’t kasama na rin ito sa mga hinihigpitan ng maraming sporting events.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble