Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, inimbitahan si Xi Jinping ng China na bumisita sa kanilang bansa

Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, inimbitahan si Xi Jinping ng China na bumisita sa kanilang bansa

INIMBITAHAN ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy Si Chinese President Xi Jinping na bumisita sa kanilang bansa.

Ayon kay Zelenskyy, nakahanda ang bansa na mai-welcome si Xi sakaling tutungo ito sa Ukraine.

Simula nang nilusob ng Russia ang Ukraine noong February 2022 ay hindi pa nakausap ni Zelenskyy ang Chinese president.

Magugunita namang nauna nang inilabas ng China bilang ‘broker of peace’ ang kanilang 12-point plan para maresolba ang krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Hindi nga lang pasok sa panlasa ng Estados Unidos na kaalyado ng Ukraine ang proposal na ito ng China.

Ito’y dahil hindi kinondena ng China ang ginagawa ng Russia.

Sa kabilang banda, hindi ito unang pagkakataon na naging ‘broker of peace’ ang China dahil sa katunayan, tinulungan na nito ang Iran at Saudi Arabia na magkaayos matapos ang pitong taon na hindi magandang relasyon ng dalawang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter