TINIYAK ng Malacañang na inaksiyunan na ng pangulo ang reklamo ng maraming konsyumer laban sa kakulangan ng tubig mula sa Prime Water.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaaral na ng chief executive ang ulat ng Local Water Utilities Administration (LWUA) at sinang-ayunan na ang mga pangunahing rekomendasyon.
Gayunman, nilinaw ng Malacañang na hindi pa ito ang tamang panahon upang isapubliko ang nilalaman ng mga rekomendasyon.
Kailangan munang bigyang-prayoridad ang aktwal na pagpapatupad ng mga hakbang.
Dagdag pa ni Usec. Castro, sa sandaling maihanda ang mga detalye, agad naman itong ilalatag sa publiko upang ipaalam kung ano ang mga konkretong hakbang na isasagawa ng pamahalaan.
Matatandaang ilang Prime Water customers sa iba’t ibang lalawigan ang nagreklamo ng irregular water supply, mataas na singil, at mahinang serbisyo.
Inilapit na ito ng ilang lokal na pamahalaan sa LWUA para sa mas mataas na interbensiyon.