Umano’y disinformation campaign ng Amerika sa COVID-19 vaccines ng China, dapat imbestigahan—DOH

Umano’y disinformation campaign ng Amerika sa COVID-19 vaccines ng China, dapat imbestigahan—DOH

NAGING usap-usapan sa social media ang investigative report ng Reuters na may pamagat na “Pentagon ran secret anti-vax campaign to undermine China during pandemic” kung saan gumawa umano ng propaganda ang Amerika noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic para takutin ang mga tao na magpaturok ng mga bakuna na galing sa China.

Para dito sa Pilipinas, gumamit umano ang US Pentagon ng 300 pekeng Tagalog accounts sa X na dating Twitter para sa kanilang disinformation campaign.

Taong 2020 umano nagsimula ang kanilang anti-vax campaign at kumalat sa Southeast Asia bago pinatigil sa kalagitnaan ng taong 2021.

Ang bagay na ito ayon sa Department of Health (DOH) ay dapat lang maimbestigahan dito sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa.

“The findings by Reuters deserve to be investigated and heard by the appropriate authorities of the involved countries,” pahayag ng Department of Health.

Matatandaan na naging hamon sa bansa ang vaccine hecitancy ng mga Pilipino kung saan dumating pa nga sa punto ayon sa report na kinailangang takutin ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino para lang magpabakuna kontra COVID-19.

Ang unang bakunang dumating sa bansa ay ang Sinovac na donasyon ng bansang China sa Pilipinas.

Dating Presidential Spokesperson, naniniwala na maraming namatay na Pilipino sa COVID-19 dahil sa anti-vax campaign ng Amerika

Ayon sa dating Presidential Spokesperon noong panahon na yon na si Atty. Harry Roque, nakakagalit ang ganitong balita lalo pa’t hirap silang makakuha ng ibang bakuna maliban sa Sinovac.

“Napakatindi po ng galit ko nang malaman ko ‘yan. Napakahirap nga na hikayatin noong panahon na ‘yon ang ating mga kababayan na magpabakuna na lalong-lalo na ‘Sinovac ang available. Partner Admar, sa totoo lang sino ba naman ayaw sa Moderna, ang ayaw sa Pfizer, pero ang katotohanan, ipinagkait ng mayayamang bansa itong mga bakuna nila hanggat hindi mailigtas ang kanilang mamamayan at China lang ang nagbigay sa atin ng Sinovac. Napatunayan naman na wala namang pagkakaiba ang Sinovac sa ibang mga bakuna pagdating sa pagsasalba ng buhay mula sa COVID,” saad ni Atty. Harry Roque, Former Malacañang Spokesperson.

Ayon kay Roque kailangan mabasa at maunawaan ng mga Pilipino ang inilabas na report ng Reuters.

Saad ng tagapagsalita ng Palasyo, lumalabas lamang na ang mga Amerikano ay totoong walang pakialam sa kapakanan ng mga Pilipino.

Sigurado umano ito na kaya maraming namatay na mga Pilipino sa COVID ay dahil sa naturang disinformation campaign na paandar ng Amerika kaya aniya hindi ito katanggap-tanggap.

Sa datos nasa 66,864 na Pilipino ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 pandemic.

“Hahayaan nilang mamatay ang mga Pilipino para lamang siraan ang China sa panahon na sila mismo ay ipinagkait naman ang bakuna nila dahil inuna nila ang kanilang mg kababayan,” wika ni Atty. Harry Roque, Former Malacañang Spokesperson.

“Sigurado ako na may dugo sa kamay ng mga Amekinano dahil maraming mga buhay ang nawala, namatay dahil nga sa takot na ipinakalat nila sa Sinovac. Kung hindi nila ipinakalat ‘yan mas marami tayong naisalba at sana buhay pa po sila hanggang ngayon,” dagdag ni Roque.

“Ito po ay kasalanan laban sa sambayanang Pilipino. Hindi katanggap-tanggap. Hindi po natin sila mapapatawad. Dahil po ‘yong namatay, hindi na natin maibabalik ng buhay. At hanggang ngayon, matapos lumabas ang report na ‘yan, kinumpirma pa ng Pentagon at hindi po sila nagsisi dahil sa tingin nila kailangan talagang sirain ang China,” aniya.

Pagkatapos sa bakuna, disinformation campaign ng Amerikano, nakatutok naman ngayon sa West PH Sea—Atty. Roque

Saad din ni Roque na ngayon tapos na ang COVID-19 pandemic ay nakatutok naman ang disinformation campaign ng Amerika sa West PH Sea para siraan ang China.

“Ang palaging linya nila wala nang lugar para tayo ay makipag usap nang mapayapa, hinihimok na tayo na magkagyera. So ‘yan na po ngayon ang linya nila. Kung dati ay katakutan ang mga bakuna ng China dahil ‘yan ay delikado, dahil ‘yan ay gawa ng China ay ngayon naman po magalit tayo sa China dahil sila ay kaawa pero it ay taliwas sa ating kasaysayan, dahil sa ating kasaysayan hindi naman po nagkaroon ng hidwaan o gyera sa panig ng China,” giit ni Roque.

“Ang pinapakalat nilang disinformation ay isasalba tayo isasalba tayo ng Amerika laban sa banta ng China pero sa katotohanan po wala namang banta galing China,” aniya.

Naniniwala din si Roque na dapat lang imbestigahan ng Senado at Kamara ang napaulat na disinformation campaign ng Amerika.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble