Umano’y pagpapakalat ng fake news ng kinatawan ng Kabataan Party-list, pinaiimbestigahan

Umano’y pagpapakalat ng fake news ng kinatawan ng Kabataan Party-list, pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa House Ethics Committee si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel.

Ito’y kasunod ng social media post ni Manuel noong Abril 7, kung saan sinabi nito na inilikas ng militar ang mga residente ng ilang barangay sa Rodriguez, Rizal dahil sa gagawing aerial bombardment dahil sa nangyaring engkuwentro sa New People’s Army (NPA).

Ayon sa NTF-ELCAC, kasinungalingan ang post ng mambabatas dahil wala sa militar ang mambobomba sa civilian communities.

Itinanggi rin aniya ni Rodriguez, Rizal Mayor Ronnie Evangelista ang nasabing post dahil sa wala itong katotohanan.

Nilinaw naman ng NTF-ELCAC na iginagalang nila ang parliamentary immunity ni Manuel pero ang malisyosong post nito ay dapat masilip dahil mapanganib sa public order.

Follow SMNI NEWS in Twitter