Umano’y pagsasauli ng Malacañang sa PhilHealth fund mukhang sentimyento lang ng PCO—Atty. Vic Rodriguez

Umano’y pagsasauli ng Malacañang sa PhilHealth fund mukhang sentimyento lang ng PCO—Atty. Vic Rodriguez

MUKHANG personal lang na sentimyento ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na ibabalik ng Malakanyang ang pondo ng PhilHealth kung ipag-uutos ng Korte Suprema.

Reaksiyon ito ni Atty. Vic Rodriguez, isa sa mga kandidato sa ilalim ng Duterte Senatorial Slate hinggil sa naturang pahayag.

Ayon sa butihing abogado, posibleng itatanggi pa ito ng mga mas nakakataas na opisyal kay Castro.

Kung iisipin lang din aniya, ano ang saysay sa utos ng Malakanyang hinggil sa pagpapa-remit ng humigit-kumulang sa P90B na pondo ng PhilHealth sa National Treasury kung isasauli lang din pala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble