DAVAO CITY — Umarangkada na ngayong umaga, Mayo 3, 2025, ang DuterTen Motorcade mula sa Roxas Freedom Park sa Davao City patungong Butuan City, bilang pagpapakita ng suporta sa mga senatoriable mula sa Duterte camp at kay Vice President Inday Sara Duterte.
Ayon sa organizers, nasa 100 sasakyan ang lumahok sa convoy, kabilang ang mga motorsiklo, private vehicles, at mga grupo ng supporters tulad ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement. Ang ruta ng motorcade ay dadaan sa mga probinsiya ng Davao del Norte, Davao de Oro, at Agusan del Sur bago tumulak sa final stop — ang Butuan City.
Tinatayang aabutin ng 6 hanggang 7 oras ang biyahe ng convoy, depende sa daloy ng trapiko at stopovers. Sa pagtatapos ng motorcade sa Butuan City, isang grand rally ng PDP-LABAN ang isasagawa kung saan inaasahang magbibigay ng mensahe ang ilang kandidato at mga lider ng kilusan.