Unang araw ng checkpoint para sa BSKE, naging maayos—PNP

Unang araw ng checkpoint para sa BSKE, naging maayos—PNP

WALANG naitalang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng checkpoint para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Redrico Maranan.

Ayon kay Maranan, mahigpit na pinatututukan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa lahat ng Regional Directors ang checkpoint operations sa buong bansa.

Habang pinatitiyak sa lahat ng Provincial Directors at Chief of Police na nakasuot ng uniporme at sinusunod ng mga pulis ang kanilang operational procedures.

Pinaalalahanan din ang mga pulis na maging magalang at respetuhin ang karapatang-pantao ng mga motorista.

Paiiralin ang plain view doctrine o visual search sa pagsasagawa ng checkpoint at hindi maaaring kapkapan o pababain ng sasakyan ang motorista maliban na lang kung may kahina-hinalang bagay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble