SUSPENDIDO ang unang araw ng klase para sa pre-school hanggang elementarya sa buong probinsya ng Cagayan Valley dahil sa banta ng tropical depression na Florita.
Pinaalalahanan din ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang publiko na manatili sa mga ligtas na lugar habang nakalagay sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang buong probinsya.
Ayon sa forecast ng PAGASA, makararanas ang probinsya ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at minsa’y malakas na pag-ulan hanggang mamayang gabi at pwedeng sundan ng matinding pag-ulan hanggang bukas ng gabi.
Isasailalim din sa signal no. 1 ang Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at hilagang bahagi kasama ang Dilasag, Casiguran, Dinalungan, at Dipaculao.