NANANATILING laganap sa mga rural na lugar at sa mga nasa mababang kita na sambahayan ang mga undernutrition sa bansa.
Ayon sa Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), sa paglipas ng mga taon, bumuti ang nutritional status ng mga batang preschool-age.
Gayunpaman, ito ay masyadong mabagal upang matugunan ang United Nations Sustainable Development Goals (SDGs).
Pagbabahagi ni DOST-FNRI Director Dr. Imelda Angeles-Agdeppa sa katatapos na Expanded National Nutrition Survey ng DOST-FNRI, 3 sa 10 batang Pilipino ay bansot o pandak, at ito ay nagiging dahilan upang mas madaling maapektuhan ng COVID-19 at iba pang sakit.
Dagdag pa ni Agdeppa sa wastong nutrisyon, ibig sabihin ang pagbibigay sa mga bata ng tamang dami at uri ng pagkain ay mapoprotektahan ang mga ito mula sa mga sakit sa panahon ng F2F classes.