University of the Visayas naglunsad ng mga makabagong programa sa Cybersecurity at Applied AI

University of the Visayas naglunsad ng mga makabagong programa sa Cybersecurity at Applied AI

NAGLULUNSAD ang University of the Visayas (UV) ng dalawang makabago at makasaysayang programang kurso na maghuhubog sa hinaharap ng mga propesyonal sa teknolohiya sa Pilipinas.

Sa pakikipagtulungan ng East West International Education, ipinagmamalaki ng UV na ito ang kauna-unahang paaralan sa Cebu na nag-aalok ng mga programang BS Cybersecurity at BS Applied Artificial Intelligence bilang mga stand-alone na degree courses.

Ang mga makabagong programang ito, na idinisenyo sa tulong ng mga global consultants at mga eksperto sa industriya, ay layuning bigyan ang mga estudyante ng mga kasanayan at kaalaman na kinakailangan upang magtagumpay sa dalawang pinakamabilis na lumalagong larangan sa teknolohiya sa kasalukuyan.

Dinaluhan ang launching at press conference nitong nakaraang Mayo 14, 2025 ni Dr. Condrado Inigo Jr., Presidente ng University of the Visayas, Dennis Layug, Lead Consultant ng East West Int’l Educational Specialist. Inc., Engr. Edgar Ambos, Dekano ng College of Engineering, Technology and Architecture at mga studyante at guro sa mga pilang paaralan ng Cebu.

Ayon kay Dr. Condrado Inigo Jr., Presidente ng University of the Visayas, ang mga bagong programang ito ng UV ay higit pa sa mga karaniwang kurso.

Habang patuloy na umuunlad ang teknolohiya, ang pangangailangan para sa mga bihasang propesyonal sa cybersecurity at artificial intelligence (AI) ay patuloy na lumalaki.

Ani Inigo, ang AI ay hindi lamang isang tool, kundi isang spark na nagtutulak ng inobasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble