ISINAGAWA ang unveiling ng “Symbol of Peace” sa headquarters ng 6th Infantry Division sa Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ito nina Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, Jr. at AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr.
Dumalo rin sa seremonya sina AFP Western Mindanao Command (WesMinCom) commander Major General Steve Crespillo, 6th Infantry Division commander Major General Alex Rillera, at mga opisyal at stakeholder sa Bangsamoro Autonomous Region.
Ang 18-talampakang taas na replica ng M16 rifle ay gawa sa bahagi ng mga nasabat, nakumpiska, narekober, at isinukong armas mula sa iba’t ibang militar operations.
Umaasa si Brawner na magiging inspirasyon ang monumento tungo sa pagkakaisa at pagkakaunawaan ng lahat ng panig.
Kasabay rito, pinuri ng opisyal ang pagsisikap na maitaguyod ang kapayapaan sa Bangsamoro bilang bahagi ng whole-of-nation approach ng gobyerno.