NAPUNTA sa walang saysay ang buhay ng isang UP cum laude computer science graduate matapos mapabilang sa mga nasawi sa naganap na engkwentro sa pagitan ng rebeldeng komunista at militar sa isang bayan sa Davao de Oro.
Madaling araw ng Pebrero 24, 2022 sa Purok-8, Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro nang maganap ang sagupaan.
Nangyari ang insidente sa pagitan ng 1001st Infantry Brigade at Communist Terrorist Groups (CTGs) Regional Headquarters, Southern Mindanao Regional Committee (RHQ, SMRC).
Pinaniniwalaang pinamumunuan ang RHQ, SMRC ni Eric Jun Casilao alyas Wally/Ellan at Regional Operations Command, SMRC (ROC, SMRC) na pinamumunuan naman ni Leo Lacumbo alyas Ole.
Inabot ng 15 minuto ang palitan ng putok bago umatras ang mga kalaban.
Sa naganap na sunod na engkwentro, limang miyembro ng komunistang terorista ang nasawi, at ang iba pa ay pinaniniwalaang sugatan dahil sa mga nagkalat na dugo kung saan nangyari ang engkwentro.
Nakuha sa naturang lugar ang isang M653 rifle, isang caliber 45 pistol, isang hand grenade, isang anti-personnel mine, assorted food supplies, at mga personal na kagamitan.
Kinilala ang mga rebeldeng napatay na sina Jojarain Alce Nguho II alyas Rain, si alyas Daday Daday, at dalawa pang kalalakihan ang di pa tukoy ang pagkakilanlan.
Kabilang din sa namatay ay si Chad Booc alyas Chad.
Kung matatandaan, Pebrero 15, 2021 nang maaresto ang isa sa napatay na si Chad Booc sa Bakwit School, San Carlos University – Talamban Campus, Cebu City.
Ito ay dahil sa alegasyong Trafficking of Indigenous Peoples na nanggaling pa sa Talaingod, Davao del Norte, kung saan napalaya rin ito dahil sa naging hatol ng korte sa Cebu.
Si Booc ay cum laude mula sa UP Diliman na may degree na Bachelor of Computer Science.
Kilala rin itong aktibista at recruiter ng New People’s Army (NPA) noong siya’y estudyante pa lamang.
Matapos ang kaniyang pag- aaral ay nagboluntaryo itong maging guro bilang Mathematics teacher sa Alternative Learning Center for Agricultural Development (ALCADEV) sa Lianga, Surigao del Sur, at kinalaunan ay boluntaryo ring nagturo sa Bakwit School sa Cebu.
Kung saan ang mga nabanggit na paaralan ay CPP-NPA affiliated schools kasama ang Salugpungan School sa Davao Region na ipinasarado na ng gobyerno.
Ayon sa kasundaluhan, ang sinapit ni Booc ay patunay lang na ang ALCADEV, MISFI, Salugpungan, CTCSM at ilan pang paaaralan ay breeding ground ng mga komunistang terorista.
“The neutralization of Chad Booc, proved that the so-called Lumad Schools like ALCADEV, MISFI, Salugpungan, CTCSM, and others are indeed breeding grounds of the CTG. It is in these institutions where innocent IP children are being radicalized and influenced to take arms against the government,” pahayag ni BGen. Jesus P. Durante III, Commander 1001st Brigade.
Nakikiramay naman ang 10th Infantry Agila Division sa mga pamilya ng mga napatay na rebelde na di sana mangyayari ang ganitong madugong bakbakan kung sumuko ang mga ito.