UP-Diliman, nangunguna sa 2024 Webometrics ranking

UP-Diliman, nangunguna sa 2024 Webometrics ranking

NANGUNGUNA ang University of the Philippines-Diliman sa Quezon City sa mga Higher Education Institutions (HEIs) sa bansa na pasok sa 2024 Webometrics Ranking of World Universities.

Pinagbabasehan ng rankings ang volume ng content sa websites ng mga paaralan, visibility ng mga content at impact ng published materials.

Pasok din ang UP Manila at UP System, De La Salle University Manila, Ateneo de Manila University, University of Santo Tomas, University of San Carlos, Mapua University, Mindanao State University- Iligan Institute of Technology at Visayas State University.

Sa kabuuan, nasa 363 na HEIs ang kasama sa nabanggit na global rankings mula sa 12-K na universities at colleges sa buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble