Upcoming mini album ng ENHYPEN ilalabas na ngayong Hunyo

Upcoming mini album ng ENHYPEN ilalabas na ngayong Hunyo

ISANG exciting news ang hatid ng ENHYPEN dahil maririnig na ngayong Hunyo 5, 2025 ang kanilang upcoming mini album na ‘Desire: Unleash’ sa Coachella, sa last day ng music festival.

Ang anunsiyo ay inilabas sa pamamagitan ng isang dramatic visual sa LED ng stage habang nagpe-perform ang grupo, isang malakas naman na hiyaw mula sa mga fans ang narinig sa buong Empire Polo Club.

Sa kanilang on-stage performance ay pinatunayan ng grupo ang kanilang galing at talaga namang deserved nila ang recognition and milestone as “Fastest K-pop boy group” na nakapag-perform sa Coachella kahit tatlong taon pa lang sila sa industriya simula ng kanilang debut noong 2021.

Sa ngayon ay wala pang detalye sa concept at tracklist ng upcoming mini album ng grupo, pero marami naman sa mga fans ang excited sa updates at teaser ng album.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble