Upos ng sigarilyo, sanhi ng sunog sa NAIA parking lot noong Abril

Upos ng sigarilyo, sanhi ng sunog sa NAIA parking lot noong Abril

UPOS ng sigarilyo ang dahilan ng sunog sa isang open parking lot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong nakaraang buwan.

Ayon ito sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa pahayag ni BFP Arson Investigation Chief Fire Supt. Bayani Zambrano, walang ibang ignition source maliban sa mga upos ng sigarilyo na kanilang nakuha sa pinagmulan ng sunog.

Dagdag pa ni Zambrano, mabilis kumalat ang apoy dahil sa mataas na temperatura ng paligid, malakas na hangin, at tuyong mga damo sa parking lot.

Matatandaang nasa 19 na mga sasakyan ang nasunog noong Abril 22.

Tinatayang aabot sa P20-M ang halaga ng mga nasirang sasakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble