Urea fertilizer, ipinamigay ng China sa mga taga Nueva Ecija

Urea fertilizer, ipinamigay ng China sa mga taga Nueva Ecija

LIBRENG pataba o urea ang ipinaabot ng Chinese government sa mga magsasaka sa Nueva Ecija.

May patawag umano sa munisipyo kaya nandito sa Sto. Domingo Gymnasium si Tatay Melencio.

At kahit malayo ang kaniyang nilakbay sa gitna ng mainit na panahon, sulit naman ang kaniyang pagpunta.

Isa kasi ito sa mga magsasakang mabibigyan ng libreng pataba o urea.

Lalo na’t mahigit isanlibong piso ngayon ang presyo per bag nito.

“Malaking tulong ‘yun sa aming magsasaka. Lalo na sa katulad kong walang perang magastos,” pahayag ni Melencio Taguinaldo, Farmer Beneficiary.

Para naman kay Nanay Virgie, malaking bahagi ng kanilang pagtatanim ang abono.

Kaya welcome development sa kanilang ipinatawag ang libreng urea.

“Ito po Sir ay napakalaking tulong po sa aming mga magsasaka at ito ay ginagamit namin sa aming pagsasaka,” ayon kay Virginia Smith, Farmer Beneficiary.

Mula sa Chinese government ang ureang natanggap ng mga magsasaka.

Bahagi ito ng P782-M na halaga ng urea na tinanggap ng pamahalaan nitong nakaraang buwan.

Personal itong tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. mula kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

At ngayon, direkta na itong magagamit sa mga sakahan.

 “Siyempre napakalaking tulong po considering na napakamahal ng cost ng fertilizers ngayon,” pahayag ni Mayor Imee de Guzman, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Napunta sa Central Luzon ang malaking bulto ng urea fertilizer na bigay ng China o 43% ng kabuuang suplay.

At ang mga taga Sto. Domingo ay parte lamang ng libu-libong magsasaka na makagagamit nito.

Sa kabuuan, mahigit dalawang libong bags ang urea ang naipamahagi sa munisipyo.

“The fruits and the strong momentum of our cooperation in Agriculture, hand in hand, we are here to help to explore new growth areas,” wika ni Yang Guoliang, Minister Counselor, Chinese Embassy.

“Siyempre po nagpapasalamat tayo sa ating Department of Agriculture at lalo na po sa ating mga kapartners mula sa People’s Republic of China dahil napakalaking tulong nito na sa ating mga magsasaka,” pahayag ni Mayor Imee de Guzman, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Umaasa ang mga benepisyaryo sa patuloy na kooperasyon ng China at Pilipinas sa mga ganitong proyekto.

Ang nangyari ditong pamimigay ng fertilizer ay patunay na walang hangad ang Chinese government kundi tumulong sa ating mga Pilipino lalo na sa ating mga magsasaka. At hindi anila sila hihinto sa paggawa nito hangga’t sa makakaya.

Follow SMNI News on Rumble