SINIMULAN na ng South Korea at United States ang pinakamalaking joint military drill nito sa nakalipas na 5 taon matapos na magbabala ang Pyongyang na ang ganitong kalaking pagsasanay ay maaaring makita bilang pagdedeklara ng giyera.
Mas pinatindi ng Washington at Seoul ang defense cooperation nito sa kalagitnaan ng lumalalang pagbabanta ng North Korea na nagsagawa rin ng serye ng mga ipinagbabawal na weapon tests sa mga nakalipas na buwan.
Ang US-South Korean exercises na tinawag na ‘freedom shield’ ay nakatakdang idaos sa hindi bababa sa 10 araw simula ngayong araw at pagtutuonan nito ng pansin ang pagbabago sa security environment dahil na rin sa pagkaagresibo ng North Korea ayon sa dalawang magkakamping bansa.