US, hiniling sa Israel na pagbigyan ang mga Muslim mula West Bank na makapasok sa mosque sa Jerusalem ngayong Ramadan

US, hiniling sa Israel na pagbigyan ang mga Muslim mula West Bank na makapasok sa mosque sa Jerusalem ngayong Ramadan

HINILING ng Estados Unidos sa Israel na pagbigyan ang mga Muslim na nakatira sa kanilang bansa na makapagsamba sa Al-Aqsa Mosque sa Jerusalem ngayong Ramadan.

Kasunod ito sa ulat na may ilang Palestinians mula West Bank ang pinagbawalan na makasamba roon.

Sa panig ng Israel ayon kay Israeli National Security Minister Itamar Ben Gvir, hindi anila sila magpakampante lalo na’t nagpapatuloy pa ang kaguluhan sa pagitan ng kanilang bansa at Hamas militant group ng Palestine sa Gaza Strip.

Dagdag pa rito, gaya ng nangyari noong Oktubre 2023, nais nilang maiwasan na magkaroon ng hostage taking na masasangkot ang mga kababaihan at kabataan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble