MULA Enero hanggang sa katapusan ng Setyembre ngayong taon, natuklasan sa isang pagsusuri na isinagawa ng Fox News Digital na hindi bababa sa 269 na mga tagapagturo ang inaresto dahil sa pang-aabusong sekswal sa mga estudyante o halos isang pag-aresto sa isang araw.
269 na tagapagturo ay kinabibilangan ng 4 na punong-guro o principal, 2 assistant principal, 226 na guro, 20 teacher’s aides at 17 na substitute teachers.
Hindi bababa sa 199 sa mga pag-aresto, o 74% nito, ay may kinalaman sa mga di-umano’y krimen laban sa mga estudyante.
Ang pagsusuri ay tumitingin sa mga lokal na kwento ng balita linggo-linggo na nagtatampok ng mga pag-aresto sa mga punong-guro ng k-12, mga assistant principal, mga guro, mga substitute teacher at mga teacher’s aide sa mga krimen na may kaugnayan sa kasarian ng mga bata sa mga distrito ng paaralan sa buong bansa.
Karamihan din sa mga naaresto ay mga kalalakihan, na may higit sa 80% ng mga pag-aresto.
Ayon kay Christopher Rufo, isang senior fellow sa Manhattan Institute, ang bilang ng mga gurong inaresto dahil sa pang-aabuso sa mga bata ay ang tip of the iceberg lang o maliit na porsyento na lang sa realidad — tulad ng nangyari sa simbahang Katoliko bago isinagawa ang malawakang imbestigasyon at pagsisiyasat na naganap noong unang bahagi ng taong 2000.
Ang mga pag-aresto na hindi isinapubliko ay hindi kabilang sa ginawang pagsusuri, at nangangahulugan na ang tunay na bilang ay maaaring mas mataas pa.