PORMAL nang nag-backout sa 2024 US Presidential Election si US President Joe Biden.
Ang kaniyang kasalukuyang Vice President na si Kamala Harris na ang ini-endorso nito na bagong presidential nominee para sa Democratic Party.
Kaugnay nito, bago pa ang pormal na anunsyo ay inaasahan na rin ng marami na mag-backout si Biden kasunod ng pagpositibo nito sa COVID-19 kamakailan.
Gaganapin ang 2024 US Presidential Election nitong November 5.