US President Joe Biden, ipinaliwanag na ang pag-atras sa presidential candidacy

US President Joe Biden, ipinaliwanag na ang pag-atras sa presidential candidacy

IPINALIWANAG na ni United States President Joe Biden kung bakit umatras na ito sa pagiging reelectionist.

Sa kaniyang naging oval office address, sinabi ni Biden na mas mahalaga sa kaniya ang depensahan ang demokrasya kumpara sa pagkakaroon ng anumang titulo.

Bago pa man ito umatras ay nakailang ulit ng sinabi ni Biden na isang banta sa demokrasya ang katunggali niya sa presidential race na si dating US President Donald Trump.

Subalit sa huling presidential debate nila halos isang buwan na ang nakalipas, nakikitang hindi nakasagot si Biden sa mga pahayag ni Trump.

Pinangangambahan ng marami, posibleng hindi niya kayang talunin ang dating US president o kaya’y hindi niya na kaya ang kaniyang trabaho bilang pangulo ng bansa sakaling manalo.

Matatandaan din na noong Linggo, Hulyo 21 habang naka-isolate sa Delaware matapos nagpositibo sa COVID-19 at umatras na ito sa kandidatura ay inendorso ni Biden ang kaniyang kasalukuyang vice president na si Kamala Harris bilang bagong presidential runner na papalit sa kaniya.

Sinabi niya rito na napapanahon na para magkaroon ang Estados Unidos ng mas batang pinuno.

Ang US presidential elections ay gagawin sa Nobyembre.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble