US VP Kamala Harris, pinatamaan ang nang-abuso sa karagatan ng bansa

US VP Kamala Harris, pinatamaan ang nang-abuso sa karagatan ng bansa

NAGPARINIG si United States Vice President Kamala Harris laban sa mga panghaharass na naranasan ng mga mangingisda sa Palawan.

Sa kanyang talumpati sa Puerto Princesa City nitong Martes, kinundena ng ikalawang pangulo ng Amerika ang harassment na naranasan ng mga nakausap niyang mangingisda ng Barangay Tagburos ng siyudad.

Saad ni Harris, labis na nagdusa ang mga nakausap niyang mangingisda dahil sa impact ng mga foreign vessel na iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng bansa.

Pati na ang intimidation o pananakot ng mga banyaga sa mga mangingisda pati na ang pagsira sa marine ecosystem.

“Communities like this have seen the consequences and people here know the impacts when foreign vessels enter Philippine waters and illegally deplete the fishing stock. When they harass and intimidate local fishers. When they pollute the ocean and destroy the marine ecosystem,” ani Harris.

Wala namang tinukoy si VP Harris kung anong bansa ang kanyang pinatatamaan.

Magugunita na inirereklamo ng mga mangingisda sa West Philippine Sea ang harassment na kanilang naranasan sa mga Chinese na nagpapatrolya at inaangkin pati ang mga teritoryong sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter