Utang ng Pilipinas, umabot na sa P15.89T sa pagtatapos ng Setyembre

Utang ng Pilipinas, umabot na sa P15.89T sa pagtatapos ng Setyembre

MAS tumaas pa ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Setyembre ngayong taon.

Ayon sa datos ng Bureau of the Treasury, umabot pa sa P15.89T ang kabuuang utang ng bansa.

Tumaas ito ng 2.2% kumpara noong nakaraang buwan.

Ang dahilan naman ng pagtataas ng utang ay dahil sa karagdagang pagkakautang mula sa lokal at panlabas na merkado.

Tumaas ng P343.11B ang utang sa loob lamang ng isang buwan.

Kung ikukumpara naman noong Setyembre ng nakaraang taon, mas mataas ng 11.4% ang utang ngayon o may katumbas na P1.3T dagdag.

Sa kabuuang utang ng bansa, 68.81% nito ay galing sa lokal na merkado.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble