UMAASA at umaapela ang ilang health organizations na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinasang Vape Bill ng Kongreso.
Sa ekslusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni Atty. Sophia San Luis ng Imagine Law na pinapaluwag nito ang batas na naghihigpit sa paggamit ng vape lalo na sa mga kabataan.
“Sinasabi lang dito na basta hindi appealing to the youth pero walang guidance kung ano ba yung appealing to the youth? Isa pa pinababa na yung edad kung sino yung pwedeng mag-access ng vapes,” Atty. Sophia San Luis.
Napakalaking mis-information din aniya ang sinasabing mas magandang alternatibo ang paggamit ng vape kaysa sa karaniwang sigarilyo.
Nakababahala din aniya kung lumawak at maging normal ang paggamit ng vape lalo sa mga kabataan dahil maaaring matulad ang bansa sa Amerika na naging epidemic.