Venezuela, sinimulan na ang pagbabakuna sa mga 12 taong gulang na kabataan

Venezuela, sinimulan na ang pagbabakuna sa mga 12 taong gulang na kabataan

SINIMULAN na ang pagbabakuna sa bansang Venezuela ang 12 taong gulang na mga kabataan.

Inanunsyo ni Venezuelan Vice President Delcy Rodríguez na pinasimulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra COVID-19.

Matapos ipatigil ng pamahalaan ng Venezuela ang face-to-face class ay sinimulan na nito ang pagbabakuna sa bansa.

Dagdag pa ng bise presidente na ginagamit na ngayon ang nasa 5,000 na mga paaralan sa buong bansa para gawing vaccination center at hinikayat ang publiko na magpabakuna na.

Noong nakaraang buwan ay mabilis ang ginawang pagbabakuna sa bansa dahil sa halos magkakasabay na pagdating ng mga Sputnik V mula sa Covax facility at Coronavac mula sa Sinopharm.

Ayon kay Rodriguez nais ng pamahalaan na maaabot ang 96% immunization rate sa darating na Disyembre 31.

Sa kasalukuyan ay nasa 21.8% pa lamang ang immunization rate ng Venezuela o aabot sa 6.19 milyong katao.

SMNI NEWS