HANDA na ang venue para sa gaganaping PEOPLE’s SONA sa Liwasang Bonifacio sa Maynila na dadaluhan ng iba’t ibang sektor ngayong araw, Sabado Hulyo 20, 2024.
Layon ng pagtitipon na ilahad ang tunay na State of the Nation sa mata ng mga ordinaryong Pilipino taliwas sa inaasahang laman ng #SONA2024 ni Pang. Bongbong Marcos sa Hulyo 22.
Alas dos ng hapon ang simula ng PEOPLE’s SONA na mapapanood rin sa #SMNI.