NAIS ng beteranong open spiker na si Bryan Bagunas na makapagbahagi ng karanasan at kaalaman sa local volleyball league mula sa mga natutunan nito sa iba’t ibang international volleyball leagues na nasalihan niya.
Ipinahiwatig ni Bagunas ang pasasalamat niya, matapos makapaglaro sa Japan at Taiwan at maka-graduate mula sa National University (NU).
Ayon kay Bagunas, mula sa kaniyang karanasan sa international league ay nakalahok niya ang mga Olympic player kung kaya’t marami talaga siyang bagong natutunan at nasasabik na siyang maibahagi ito sa mga local players.
Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang nang parangalan si Bagunas bilang ‘most valuable player’ at pinangunahan nito ang kaniyang koponang win streak sa kauna-unahang kampeonato nito.
Si Bagunas ay 2-time UAAP Champion ng NU Bulldogs at parte rin ng Philippine National Team na nanalo na makasaysayang silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.