GANAP nang magbubukas ang mga tourist destination sa Vietnam, ngayong darating na Hunyo 2022.
Plano ngayon ng Vietnman na magbukas ang mga tourist destination nito sa mga bakunadong turista kung bababa ang kaso ng COVID-19 ngayong Disyembre.
Isa sa ginawang hakbang ng bansa ay ang pagpapatupad ng border control sa simula pa lang ng paglaganap ng pandemya.
Subalit ang nasabing hakbang ay nakaka-apekto sa tourism sector ng bansa.
Maaalala nitong nakaraang buwan nagpahayag ang pamahalaan nito na magbubukas na ang mga resort island nito sa Phu Quoc sa mga vaccinated na mga turista ngayong Nobyembre.
Samantala, target ngayon ng pamahalaan ng Vietnam na palakasin pa ang vaccination program nito.