Vietnam, papayagang makapasok ang mga indibidwal na mayroong vaccine passport

PAPAYAGAN ng Vietnam na makapasok ang mga indibidwal na mayroong vaccine passport.

Inihayag ng mga opisyal ng Vietnam na maaari nang pumasok sa bansa ang mga naistranded na Vietnamese, mga dayuhang investor at nabakunahang turista kung mayroong vaccine passport ang mga ito.

Sa isang regular na meeting ng National Steering Committee for COVID-19 Prevention and Control at ilang ahensya, iniulat nito na isinasaayos na ng Telecom providers at information technology insfrastricture ng bansa ang COVID-19 vaccine passports.

Inihahanda umano nito ang software at website system na magkukumpirma sa mga impormasyon ng mga indibidwal na nakapasok sa bansa gaya ng entry permit, type ng bakuna, nasyonalidad at iba pang importanteng impormasyon.

Papayagan umanong makapasok sa bansa ang mga bisita na mula sa mga bansang nakontrol na ang COVID-19 at nakuha na ang herd immunity.

Ang mga papasok sa bansa naman o aalis sa pamamagitan ng vaccine passport ay kinakailangang magkaroon ng QR code at certificate na nabakunahan na ito kontra COVID-19.

(BASAHIN: Face mask na gawa ng Vietnam, nakakapatay ng 99% ng bacteria laban sa COVID-19)

SMNI NEWS