Vietnam SEA Games, kumpirmado na matutuloy sa May 2022

Vietnam SEA Games, kumpirmado na matutuloy sa May 2022

KUMPIRMADO na matutuloy sa May 2022 ang isasagawang SEA Games sa Vietnam.

 

Inaasahang magaganap sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo 2022 ang 31st Southeast ASIAN Games sa Hanoi, Vietnam.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan si Tran Duc Phan, Deputy Chairman ng Viesgoc at SEA Games Federation Vice President kay Seagf Coo Dato Seri Chaiyapak Siriwat kaugnay sa paghahanda ng bansa sa Southeast ASIAN games.

Sa ngayon wala pang inilalabas na petsa ang organisasyon ng SEA Games kung kailan mangyayari ang nasabing palaro.

Maaalalang ngayong 2021 sana magaganap ang nasabing palaro subalit nang dahil sa pandemya sa rehiyon at sa bansa napagdesisyunan na nito na ituloy na lamang ito sa taong 2022.

SMNI NEWS