Vietnam, tiniyak na magsusuplay ng bigas sa Pilipinas

Vietnam, tiniyak na magsusuplay ng bigas sa Pilipinas

NATITIYAK ngayon ng pamahalaan na magpapatuloy ang pagsusuplay ng bansang Vietman ng bigas sa bansa.

Ito ang bunga ng pulong ni Speaker Martin Romualdez sa sidelines ng 44th ASEAN Parliamentary Assembly (AIPA) kay Vuong Dinh Hue, ang pangulo ng National Assembly of Vietnam.

Matatandaan na nabahala si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa magiging suplay ng bigas sa bansa matapos huminto na mag-export ang India kung saan kumukuha ang Pilipinas ng dagdag na suplay.

Bilang pagbabalik ng utang na loob, giniit ng Philippine government sa Vietnam ang kahandaan ng pamahalaan na mag-provide ng partikular na mga produkto para makatulong din sa kanilang bansa.

Ngayong may assurance na mula sa bansang Vietnam, asahan ang malaking dulot nito sa pag-kontrol sa presyo ng bigas sa bansa na dulot ng supply shortage.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble