Vietnam, tumanggap ng higit 11-B VND donasyon para sa COVID-19

Vietnam, tumanggap ng higit 11-B VND donasyon para sa COVID-19

TUMANGGAP ng higit 11 billion VND donasyon ang Vietnam para sa laban nito kontra COVID-19

Nagpahayag ang pamahalaan ng Vietnam na aabot sa labing isang milyong vietnamese dong na donasyon ang natanggap nito para sa mga kabataang naapektuhan ng pandemya.

Sa nasabing donsayon,  10 bilyong vietnamese dong ay mula sa Vietnam Dairy Products Joint Stock Company (Vinamilk), limandaan at limanpung milyong vietnamese dong ay mula sa Vinanutrifood,  animnaraan at tatlumput pitong vietnamese dong ay mula sa AIA Vietnam Life Insurance Co. Ltd, at isandaang milyong vietnamese dong ay mula sa Foreign Ministry’s Trade Union.

Namahagi rin ang Vinamilk ng 1 milyong baso ng gatas para sa mga kabataan sa pamamagitan ng programa nito na “Stand Tall Vietnam Milk Fund.”

Sa isinagawang seremonya naman nagpasalamat si Deputy Minister of Labour, invalids and social affairs Nguyen Thi Ha sa mga donasyong ibinahagi ng mga stakeholders ng bansa para sa kapakanan ng mga kabataan.

Samantala, nakapaglaan na ang pamahalaan ng Vietnam ng aabot sa 7.78 bilyong Vietnamese dong para sa mga kabataan na nasa mga ampunan na apektado ng COVID-19.

SMNI NEWS