NAGSAGAWA ng charity event sa isang orphanage sa Maynila ang ilang beauty queens mula Vietnam.
Si 2018 Miss Universe Finalist H’hen Nie at 2022 Miss Supranational Second Runner-Up Nguyen Huynh Kim Duyen ang pasimuno ng naturang aktibidad.
Kasama ng Vietnamese Beauty Queens ay sina 2014 Miss Manila KC Halili, 2022 Miss World Philippines Tourism Justine Felizarta at 2015 Miss Earth Angelia Ong.
Sa naturang charity event ay namigay ito ng food supply sa mga kabataan at cash assistance na ibinigay sa mismong management ng orphanage.
Samantala, ibinagi ni 2015 Miss Earth Angelia Ong na photoshoot lang talaga sana ang pinunta ng Vietnamese beauty queens dito subalit ito nga at isinagawa na rin nila ang outreach program.